3. Mawawasak ang buong bansa kapag ang hari ay isang mangmang,ngunit uunlad ang bayan kung may pang-unawa ang mga pinuno ng lunsod.
4. Ang pamamahala sa daigdig ay nasa kamay ng Panginoon,at siya ang nagpapadala ng mabubuting tagapamuno pagdating ng takdang panahon.
5. Nasa Panginoon din ang tagumpay ng bawat tao,at siya ang nagpaparangal sa mga gumagawa ng batas.
6. Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa tuwing magkakasala ang iyong kapwa sa iyo,at huwag kang gagawa ng anuman dahil sa simbuyo ng damdamin.
7. Ang kapalaluan ay kinasusuklaman ng Panginoon at ng tao,kapwa rin sila napopoot sa pang-aapi.
8. Dahil sa kasakiman, kapalaluan at pang-aapi bumabagsak ang mga bansa;palit-palit lamang sila sa pananakop sa iba.
9. Ano ang maipagmamalaki mo, O tao? Ikaw ay nagmula lamang sa alabok,at buháy ka pa'y maaari ka nang mabulok.
20-21. Sa isang angkan ang puno ng sambahayan ay pinaparangalan,pararangalan din ng Panginoon ang mga may takot sa kanya.
22. Ang mayaman at maharlika, gayundin ang maralita—wala silang maipagmamalaki kundi ang takot sa Panginoon.
23. Hindi dapat dustain ang matalinong tao bagama't mahirapat di naman dapat parangalan ang masamang tao.
24. Ang mga hari, mga hukom, at mga nasa kapangyarihan ay dapat parangalan,ngunit higit na dakila sa kanila ang isang taong may paggalang sa Panginoon.
25. Ang aliping matalino ay maaaring pagsilbihan ng malaya,at ito'y hindi daramdamin ng nakakaunawa.
26. Huwag mong ipagmarangya ang iyong karunungan sa pagtupad mo ng iyong tungkulin,at huwag ka namang magmamataas sa panahong ikaw ay kinakailangan.
27. Higit na mabuti ang manggagawang nananagana,kaysa hambog na pagala-gala ngunit wala namang makain.
28. Anak ko, hanapin mo ang iyong karangalan nang may kababaan ng loob,at pahalagahan mo ang sarili nang ayon sa nararapat.