Deuteronomio 23:23-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. Ngunit kailangang tuparin ang anumang kusang-loob na pangako ninyo kay Yahweh.

24. “Kapag kayo'y pumasok sa ubasan ng inyong kapwa, maaari kayong kumain ng bunga niyon hanggang gusto ninyo, huwag lamang kayong mag-uuwi.

25. Kung mapadaan naman kayo sa triguhan ng inyong kapwa, maaari kayong pumitas ng mga uhay sa pamamagitan ng mga kamay ngunit huwag kayong gagamit ng karit.

Deuteronomio 23