Baruc 3:7-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Ipinunla ninyo sa aming mga puso ang takot sa inyo upang kami ay tumawag sa inyong pangalan. Sa aming pagkabihag, pupurihin namin kayo, sapagkat tinalikuran na namin ang mga pagkakasalang ginawa sa inyo ng aming mga ninuno.

8. Kami ngayon ay nasa gitna ng mga bansang pinagtapunan ninyo sa amin. Kinukutya at hinahamak nila kami. Pinaparusahan ninyo kami, Panginoon naming Diyos, dahil sa kasamaan ng aming mga ninuno na tumalikod sa inyo.”

9. Dinggin mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay;makinig ka at nang ikaw ay matuto.

10. Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway?Bakit ka tumanda sa ibang lupain?Bakit itinakwil kang parang patay

11. at ibinilang na sa mga nasa Hades?

12. Nangyari ito sapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan.

13. Kung lumakad ka lang sa landas ng Diyos,sana'y namumuhay kang matiwasay sa habang panahon.

Baruc 3