Baruc 3:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. “Panginoong Makapangyarihan sa Lahat, Diyos ng Israel, kami po ay tumatawag sa inyo sa gitna ng aming pagdurusa.

2. Dinggin ninyo kami at kahabagan, O Panginoon, sapagkat nagkasala kami sa inyo.

3. Kayo po ang naghahari magpakailanman, samantalang kami'y namamatay at tuluyan nang naglalaho.

4. Panginoong Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng Israel, dinggin ninyo ang aming panalangin. Kami po'y para nang mga patay. Nagkasala sa inyo ang aming mga ninuno nang sila'y hindi tumalima sa inyo, at kami ang nagdurusa dahil sa kanilang kasalanan.

5. Huwag na po ninyong alalahanin ngayon ang kasalanan ng aming mga ninuno, kundi ang inyong pangalan at kapangyarihan.

6. Sapagkat kayo lamang ang Panginoon naming Diyos, at kayo lamang ang lagi naming pupurihin.

Baruc 3