Baruc 2:19-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. “Panginoon naming Diyos, dumudulog kami sa inyong trono ng awa, hindi dahil sa anumang kabutihang nagawa ng aming mga ninuno o mga hari.

20. Pinaparusahan ninyo kami ayon sa ibinabala ninyo sa pamamagitan ng inyong mga propeta nang sabihin nila,

21. ‘Sinasabi ng Panginoon: Sumuko kayo at maglingkod sa hari ng Babilonia at pananatilihin ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno.

22. Kapag hindi kayo sumunod sa salita ko at hindi naglingkod sa hari ng Babilonia,

23. papatigilin ko ang lahat ng pagdiriwang at kasayahan sa mga lunsod ng Juda at sa Jerusalem. Pati ang pagdiriwang ng mga kasalan ay di na maririnig sa buong lupain. Ito ay masasalanta at hindi na titirhan ninuman.’

24. “Ngunit hindi namin sinunod ang inyong utos. Hindi kami naglingkod sa hari ng Babilonia. Kaya naman, tinotoo ninyo ang inyong ipinasabi sa mga propeta na inyong lingkod, na huhukayin at ikakalat ang kalansay ng aming mga hari at mga ninuno.

Baruc 2