9. nang dalhing-bihag sa Babilonia ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin, ang mga pinuno, mga bilanggo, mga maharlika at mga karaniwang mamamayan sa Jerusalem.
10. Ganito ang nasasaad sa sulat: “Ang perang kalakip nito ay ibili ninyo ng mga gagamitin bilang handog na susunugin, handog ukol pangkasalanan, handog na pagkain at insenso. Ihandog ninyo ang mga ito sa altar ng Panginoon nating Diyos.
11. Idalangin din ninyo si Haring Nebucadnezar at si Belsazar na kanyang anak, upang tumagal ang buhay nila tulad ng kalangitan.
12. Sa gayon, palalakasin tayo at papatnubayan ng Panginoon. Mamumuhay tayo sa ilalim ng pag-iingat ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, at ng anak niyang si Belsazar. Maglilingkod tayo sa kanila sa mahabang panahon at sa gayo'y malulugod sila sa atin.
13. Idalangin din ninyo kami sa Panginoon naming Diyos sapagkat kami'y nagkasala laban sa kanya. Hanggang ngayo'y galit pa siya sa amin.