6. Nangolekta sila ng salapi at ang bawat isa'y nagkaloob ayon sa kanyang makakaya.
7. Ang nalikom ay ipinadala sa Jerusalem kay Jehoiakim, ang pinakapunong pari na anak ni Hilkias at apo ni Sallum, sa mga pari, gayundin sa lahat ng mga kasama niya sa Jerusalem.
8. Noong ikasampung araw ng ikatlong buwan, kinuha ni Baruc ang mga sisidlang pilak na sinamsam sa Templo at ipinabalik sa Juda. Ang mga sisidlang ito ay ang mga ipinagawa ni Zedekias na anak ni Haring Josias ng Juda,
9. nang dalhing-bihag sa Babilonia ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin, ang mga pinuno, mga bilanggo, mga maharlika at mga karaniwang mamamayan sa Jerusalem.