Awit Ng Tatlong Kabataan 1:8-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Kaya nga, makatarungan lamangang mga parusang inilapat mo sa amin.

9. Ipinabihag mo kami sa pinakamahigpit naming mga kaaway, lahing malulupit at kasuklam-suklam.Inalipin kami ng isang napakasamang hari, pinakamasama sa buong sanlibutan.

10. At ngayon, nauutal ang aming dila sa laki ng kahihiyan.Kaming iyong mga alipin at tagasunod ay naging kasuklam-suklam.

11. Alang-alang sa iyong karangalan, huwag mo kaming itakwil habang panahon;huwag mong putulin ang iyong tipan sa amin.

12. Muli mo kaming kahabagan,alang-alang kay Abraham na iyong minamahal,kay Isaac na iyong lingkod,at kay Israel na iyong ginawang banal.

13. Ipinangako mong pararamihin ang kanilang lahigaya ng mga bituin sa langit at ng buhanginan sa tabing-dagat.

14. Subalit ngayon, Panginoon, kami ay naging pinakamaliit na bansa.Dahil sa aming mga kasalanan, kami ang pinakaaba ngayon sa sanlibutan.

Awit Ng Tatlong Kabataan 1