63. Purihin ninyo ang Panginoon, mga lingkod ng Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
64. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga tapat;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
65. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga banal at mapagpakumbabá;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
66. Purihin ninyo ang Panginoon, Hananias, Azarias, at Misael;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.Sapagkat hinango niya tayo sa daigdig ng mga patay; iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kamatayan.Hinango niya tayo sa nagliliyab na pugon;iniligtas niya tayo sa apoy.
67. Pasalamatan natin ang Panginoon sapagkat napakabuti niya;nananatili magpakailanman ang kanyang habag.