Awit Ng Tatlong Kabataan 1:30-47 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. Purihin po ang iyong marangal at banal na pangalan.Nararapat kang purihin at parangalan magpakailanman.

31. Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

32. Purihin ka mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,nakikita po ninyo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

33. Purihin ka, na nakaupo sa maningning mong trono,karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

34. Purihin ka sa buong sangkalangitan;karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

35. “Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilikha;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

36. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat, mga kalangitan;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

37. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga anghel ng Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

38. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga tubig sa ibabaw ng langit;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

39. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na bumubuo ng kanyang hukbo;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

40. Purihin ninyo ang Panginoon, araw at buwan;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

41. Purihin ninyo ang Panginoon, mga bituin sa langit;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

42. “Purihin ninyo ang Panginoon, mga ulan at hamog;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

43. Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng hanging umiihip sa buong daigdig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

44. Purihin ninyo ang Panginoon, apoy at init;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

45. Purihin ninyo ang Panginoon, matinding lamig at nakakapasong init;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

46. Purihin ninyo ang Panginoon, mga hamog at yelong nalalaglag;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

47. Purihin ninyo ang Panginoon, mga gabi at mga araw;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Awit Ng Tatlong Kabataan 1