Awit Ng Tatlong Kabataan 1:23-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. Ang mga alipin ng hari na naghagis sa tatlong kabataang lalaki sa pugon ay patuloy na naghahagis doon ng mga pampaningas: langis, alkitran, dayami at mga sanga ng kahoy,

24. anupa't tumaas nang mahigit dalawampu't dalawang metro ang apoy.

25. Lumabas ang ningas at nasunog ang mga taga-Babilonia na nakatayo malapit sa pugon.

26. Ngunit bumabâ ang isang anghel ng Panginoon at sinamahan ang tatlong kabataan. Itinulak ng anghel ang apoy papalayo sa tatlo

27. at ginawang sa paligid nila'y tila may umiihip na napakalamig na hanging parang hamog. Kaya't hindi sila nalapatan ng apoy o nasaktan dahil dito.

28. Habang naroon sa loob ng pugon, ang tatlong kabataan ay sama-samang nagpuri at nagparangal sa Diyos,

Awit Ng Tatlong Kabataan 1