Ang Mangangaral 1:3-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?

4. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig.

5. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan.

6. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot.

7. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan.

Ang Mangangaral 1