3. Sa akin ngang paglalakad, nakita ko'y mga bantay,nagmamanman, naglilibot, sa paligid, sa lansangan.Sa kanila ang tanong ko, “Mahal ko ba ay nasaan?”
4. Nang aking iwan ang nasabing mga tanod,bigla na lang nakita ang mahal kong iniirog.Siya'y aking hinawakan at hindi na binitiwan,hanggang siya'y madala ko sa bahay kong sinilangan.
5. Ipangako ninyo sa akin, mga dalaga sa Jerusalemsa ngalan ng mga usa at hayop na matutulin,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
6. Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan?Wari'y pumapailanlang usok ng mira at kamanyang,na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal.