Amos 5:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo:

2. Nabuwal ang Israel at di na makakabangon.Nakahandusay siya at sa kanya'y walang tumutulong.

3. Sinabi ng Panginoong Yahweh,“Sa sanlibong kawal na inatasan ng isang lunsod,iisang daan ang makakabalik;sa sandaan namang inatasan ng isa pang lunsod,ang makakabalik ay sampu na lamang.”

4. Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel:“Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay;

5. huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong;huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba,sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag,at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.”

Amos 5