Amos 1:12-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Susunugin ko ang Teman,tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”

13. Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Ammon,kaya sila'y paparusahan ko.Sa labis nilang kasakiman sa lupain,nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead.

14. Susunugin ko ang mga pader sa Rabba;tutupukin ko ang mga tanggulan doon.Magsisigawan sila sa panahon ng labanan;mag-aalimpuyo ang labanan tulad ng isang bagyo.

Amos 1