11. Sumagot si Ziba, “Masusunod pong lahat ang utos ninyo, Kamahalan.”At mula noo'y kasalo na ni David si Mefiboset, parang tunay na anak niya.
12. Si Mefiboset ay may bata pang anak na lalaki na ang pangala'y Mica. Mula nga noon, ang buong sambahayan ni Ziba ay naglingkod kay Mefiboset.
13. Kaya't si Mefiboset na pilay ang parehong paa ay nanirahan sa Jerusalem, at kasalo ng hari sa pagkain.