2 Samuel 22:6-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Daigdig ng mga patay, ako'y pinupuluputan,patibong ng kamatayan, ang aking dinaraanan.

7. “Sa kagipitan ko, ako ay tumawag,ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap.Mula sa templo niya ay kanyang dininig,ang aking pagsamo at ang aking hibik.

8. “Nayanig ang lupa nang siya'y magalit,at nauga pati sandigan ng langit.

9. Nagbuga ng usok ang kanyang ilong,at mula sa bibig, lumabas ang apoy.

10. Hinawi ang langit, bumabâ sa lupamakapal na ulap ang tuntungang pababa.

11. Sakay ng kerubin mabilis lumipad;sa bilis ng hangin siya ay naglayag.

2 Samuel 22