2 Samuel 22:26-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

26. “Sa mga taong tapat, ikaw rin ay tapat,sa mga matuwid, matuwid kang ganap.

27. Sa pusong malinis, bukás ka at tapat,ngunit sa mga baluktot, hatol mo'y marahas.

28. Mga nagpapakumbabá'y iyong inililigtas,ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.

29. Ikaw po, O Yahweh, ang aking tanglaw,pinawi mong lubos ang aking kadiliman.

30. Sa tulong mo'y nalulupig ko ang mga kaaway,sa pamamagitan mo, Diyos, anumang pader ay nahahakbang.

31. Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan;pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan.Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag.

2 Samuel 22