3. Dumating siya sa Ecbatana, at nabalitaan niya doon ang nangyari kay Nicanor at sa pangkat ni Timoteo.
4. Sa laki ng galit, binalak niyang gumanti sa mga Judio dahil sa masaklap na pagkatalo. Kaya't iniutos niya sa nagmamaneho ng kanyang karwahe na huwag titigil hangga't hindi sila dumarating sa Jerusalem. Sa kanyang kahambuga'y sinabi niya, “Pagdating ko sa Jerusalem, gagawin ko itong libingan ng lahat ng Judio!” Ngunit hindi niya alam na patungo na siya sa parusang itinakda ng Diyos.
5. Pagkasabing-pagkasabi nito ay pinarusahan siya ng Diyos ng Israel na nakakaalam ng lahat ng bagay. Dinapuan siya ng sakit na walang lunas at namilipit sa matinding sakit ng tiyan.
6. Ang parusang ito'y angkop lamang sa nakakahindik na pagpapahirap na ginawa niya sa mga Judio.