2 Macabeo 7:6-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. “Nakatunghay sa atin ang ating Diyos na Panginoon, at kahahabagan niya tayo. Hindi ba't noong si Moises ay nangangaral laban sa mga suwail na tao, kanyang sinabi sa kanyang awit, ‘Kahahabagan ng Panginoon ang kanyang mga lingkod.’”

7. Nang mamatay ang unang kapatid, binalingan naman ng mga kawal ang ikalawang kapatid para paglaruan. Tinanggal ang buhok at anit nito sa ulo. Pagkatapos, siya ay tinanong, “Alin ang pipiliin mo, kumain ng karneng baboy o isa-isang putulin ang iyong mga paa't kamay?”

8. Sumagot ito sa wika ng kanyang mga ninuno, “Hindi ko iyan kakainin anuman ang mangyari!” Kaya't gaya ng una, siya'y pinahirapan hanggang sa mamatay.

9. Ngunit bago namatay, sinabi niya nang malakas sa hari, “Kasumpa-sumpang halimaw! Maaari mong kunin ang buhay namin dito sa lupa, ngunit bubuhayin kaming muli ng Hari ng buong daigdig upang hindi na muling mamatay, sapagkat sinusunod namin ang kanyang mga utos.”

10. Ganoon ding parusa ang sinapit ng ikatlong anak. Noong siya'y utusang ilawit ang kanyang dila, ginawa niya ito agad at walang atubiling iniabot ang kanyang mga kamay.

2 Macabeo 7