2 Macabeo 7:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sa isa namang pagkakataon, isang ina at ang kanyang pitong anak na lalaki ang ipinahuli ng hari. Sila'y pinahirapan para piliting kumain ng karneng baboy na ipinagbabawal ng Kautusan.

2. Isa sa mga anak ang nangahas tumayo at nagsalita, “Ano ba ang nais ninyong mangyari sa pagpapahirap sa amin? Matamis pa sa amin ang mamatay kaysa lumabag sa mga kautusan ng aming mga ninuno!”

3. Nag-alab ang galit ng hari at iniutos na painitin agad ang mga kawa.

2 Macabeo 7