2 Macabeo 6:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Hindi nagtagal, naisipan ni Haring Antioco na pilitin ang mga Judio na iwaksi ang kanilang mga kaugalian at relihiyon. Isinugo niya ang isang matandang taga-Atenas para ipatupad ito;

2. inutusan pa itong lapastanganin ang templo sa Jerusalem at italaga ito sa diyus-diyosang si Zeus ng Olimpo. Ang templo namang nasa Bundok ng Gerizim ay tinawag na “Templo ni Zeus, ang Diyos na Mapagmalasakit sa mga Banyaga,” alinsunod sa mga kahilingan ng mga mamamayan doon.

3. Lalo namang lumaganap ang kasamaan at pang-aapi na halos ay hindi na makayang tiisin ninuman.

2 Macabeo 6