26. Ngunit ipinapatay niya ang lahat ng lumabas para manood. Pangkat-pangkat ang mga kawal na lumusob sa lunsod at maraming tao ang napatay nang araw na iyon.
27. Si Judas Macabeo, kasama ang siyam niyang tauhan, ay tumakas patungo sa ilang at doon nanirahan na parang mga hayop na ligaw. Upang hindi sila mahawa sa masamang pamumuhay sa lunsod, ang kinakain nila'y mga halamang gubat lamang.