2 Macabeo 4:46-50 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

46. Ang hari ay ipinasyal ni Tolomeo sa liwasan para sumagap ng sariwang hangin. Nahimok nga niyang magbago ng isip ang hari.

47. Dahil dito, si Menelao ay pinatawad ng hari sa halip na parusahan. Ang pinarusahan pa ng kamatayan ay ang tatlong walang kasalanang sugo, na kung ang malulupit na Escita ang lumitis sa kanila ay tiyak na makakalaya.

48. Iyon ang sinapit ng mga nagmamalasakit sa lunsod, sa kapakanan ng mga mamamayan, at alang-alang sa dangal ng mga sagradong kagamitan.

49. Ilan sa mga taga-Tiro ang nagalit sa pangyayaring ito; binigyan nila ng isang maringal na libing ang mga sugo.

50. Dahil sa mga gahaman sa kapangyarihan, si Menelao ay nanatili sa tungkulin. Naging masama siyang higit kaysa dati, at naging utak ng kapahamakan ng mga kababayan niya.

2 Macabeo 4