2 Macabeo 15:9-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Pinasigla niya sila sa pamamagitan ng pagbabasa mula sa aklat ng Kautusan at ng mga Propeta, at ipinapaalala sa kanila ang natamo na nilang mga pagtatagumpay sa labanan.

10. Nang handa na sila, iniutos ni Judas ang dapat gawing pagtatanggol. Ipinaalala niya na hindi mapagkakatiwalaan ang mga Hentil sapagkat sumisira sila sa mga kasunduan.

11. Higit sa sandatang ibinigay niya sa kanyang mga tauhan ay ang kanyang mga salitang nagpalakas ng kanilang loob. Isang pangitaing nakita niya ang kanyang isinaysay upang patatagin ang loob ng kanyang mga tauhan.

12. Nakita raw niya sa pangitain si Onias, dating Pinakapunong Pari at isang taong dakila at kahanga-hanga, mabait, mapagpakumbabá, magaling magsalita, at mula sa pagkabata'y sinanay na sa banal na pamumuhay. Nakataas ang kamay ni Onias habang nananalangin alang-alang sa bansang Judio.

13. Lumitaw naman sa isang dako ang isa pang taong maputi na ang buhok na sa anyo ay marangal din at may pambihirang kapangyarihan.

2 Macabeo 15