2 Macabeo 15:38-39 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

38. Kung ang pagkakasulat ko nito ay maayos at madaling maintindihan, ito ang nais kong mangyari. Kung hindi naman, ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya.

39. Hindi mabuti ang uminom ng purong alak o tubig lamang ngunit ang pinaghalo nito ay masarap at nakakasiyang inumin. Gayon din, ang kasaysayang isinulat nang maayos ay nakakasiya sa bumabasa nito. Sa ganitong diwa, winawakasan ko ang kasaysayang ito.

2 Macabeo 15