5. Dumating ang isang magandang pagkakataon na matupad ang masama niyang binabalak nang anyayahan siya ni Demetrio sa isang pulong ng konseho upang hingan ng kuru-kuro tungkol sa mga binabalak ng mga Judio.Ganito ang kanyang sinabi:
6. “Ang mga Judiong tinatawag na Hasideano at pinamumunuan ni Judas Macabeo ay mapanghimagsik. Sila ang nagsusulsol ng pagrerebelde kaya laging magulo sa kaharian.
7. Iyan nga po ang dahilan kaya ako naparito at iniwan ko ang aking marangal na tungkulin bilang Pinakapunong Pari.
8. Nais kong ipadama sa inyo ang aking pagmamalasakit sa inyong kapakanan; pangalawa, alang-alang na rin ito sa aking mga kababayan. Alam po ninyo, ang aming bansa'y labis na naghihirap dahil sa mga taong aking binanggit sa inyo.
9. Pagkatapos ninyong siyasatin ang mga bagay na ito, ayon sa inyong kagandahang-loob na iniuukol sa lahat, gawin po ninyo mahal na hari, kung ano ang makakabuti sa aming bansa at sa mga mamamayang naghihirap.
10. Maniwala po kayo na hanggang buháy si Judas, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa bansa.”