30. Pinalibutan nila si Judas para hindi masaktan, mismong baluti nila ang ginawang pananggalang nito. Pinauulanan nila ng palaso at malalaking bato ang mga kaaway. Nalito at nabulag ang mga iyon, kaya't nagulo ang kanilang pangkat at nagkawatak-watak.
31. Napatay sa kanila sa labanang iyon ang 20,500 mga kawal na lakad at 600 mangangabayo.
32. Si Timoteo ay nakatakas papunta sa napapaderang muog sa Gezer, na pinamumunuan ni Quereas.
33. Apat na araw itong kinubkob nina Judas.
34. Palibhasa'y matibay ang tanggulan, ang mga kawal na nagtatanggol nito ay sumigaw ng mga panlalait sa mga Judio at sa Diyos.
35. Sa galit ng mga tauhan ni Judas, nang nagbubukang-liwayway na noong ikalimang araw, dalawampu sa kanila ang buong tapang na pumasok sa tanggulan at sinumang makasalubong na kaaway ay pinapatay.