1 Timoteo 5:12-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Sa gayon, nagkakasala sila dahil sa hindi pagtupad sa una nilang pangako kay Cristo.

13. Sila'y nagiging tamad at nag-aaksaya ng panahon sa pangangapitbahay; at sila'y nagiging tsismosa, mahilig makialam sa buhay ng may buhay at madadaldal.

14. Kaya't para sa akin, mabuti pang sila'y mag-asawang muli, magkaanak at mag-asikaso ng tahanan, upang ang ating kaaway ay hindi magkaroon ng pagkakataong mapintasan tayo,

15. sapagkat may ilan nang biyudang nailigaw ni Satanas.

1 Timoteo 5