3. Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh,walang maaaring maghambog,sapagkat alam mo ang lahat ng bagay,ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.
4. Ginapi mo ang mga makapangyarihan,at pinapalakas ninyo ang mahihina.
5. Kaya't ang dating mayayaman ay nagpapaupa para may makain.Masagana ngayon ang dating maralita.Nagsilang ng pito ang dating baog,at ang maraming anak ngayo'y nalulungkot.
6. Ikaw, O Yahweh, ang may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.Maaari mo kaming itapon sa daigdig ng mga patay, at maaari ring buhayin muli.
7. Maaari mo kaming payamanin o paghirapin,maaari ring ibaba o itaas.