17. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman.
18. Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.