1 Mga Taga-Tesalonica 3:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Nang hindi na kami makatiis, minabuti naming magpaiwan sa Atenas

2. at suguin sa inyo si Timoteo na ating kapatid at kamanggagawa sa Diyos sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Isinugo namin siya upang patatagin kayo at palakasin ang inyong loob alang-alang sa inyong pananampalataya,

3. upang hindi manghina ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig. Alam ninyong ang mga pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin.

1 Mga Taga-Tesalonica 3