1 Mga Taga-Corinto 2:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mga kapatid, nang ako'y pumunta riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na karunungan.

2. Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus.

3. Noong ako'y nariyan, ako'y nanghihina at nanginginig sa takot.

1 Mga Taga-Corinto 2