1 Mga Taga-Corinto 11:29-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili.

30. Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at masasaktin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na.

31. Kung sisiyasatin natin ang ating sarili, hindi tayo hahatulan ng Panginoon.

32. Ngunit hinahatulan tayo ng Panginoon dahil itinutuwid niya tayo, upang hindi tayo maparusahang kasama ng sanlibutan.

1 Mga Taga-Corinto 11