1 Mga Taga-Corinto 10:6-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong maghangad ng masasamang bagay, gaya ng ginawa nila.

7. Huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng ilan sa kanila. Ayon sa nasusulat, “Umupo ang mga tao upang kumain at uminom, at tumayo upang sumayaw.”

8. Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya't dalawampu't tatlong libong tao ang namatay sa loob lamang ng isang araw.

9. Huwag nating susubukin si Cristo, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila; dahil sa ginawa nila, pinuksa sila ng mga ahas.

10. Huwag din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya't nilipol naman sila ng anghel na namumuksa.

11. Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan.

12. Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod.

1 Mga Taga-Corinto 10