1 Mga Hari 14:27-30 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

27. Pinalitan ni Rehoboam ang mga iyon ng mga kalasag na tanso, at inilagay sa pag-iingat ng mga pinuno ng bantay sa hari na nagbabantay sa pintuan ng palasyo.

28. Tuwing pupunta ang hari sa Templo ni Yahweh, dala ng mga bantay ang mga kalasag na iyon. Pagkatapos, ibinabalik ang mga kalasag sa himpilan ng mga bantay.

29. Ang ibang mga ginawa ni Rehoboam ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.

30. Patuloy ang labanan ni Rehoboam at ni Jeroboam sa panahon ng kanilang paghahari.

1 Mga Hari 14