6. Pinagtatlong pangkat ni David ang mga Levita ayon sa tatlong anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari.
7. Ang mga anak ni Gershon ay sina Ladan at Simei.
8. Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, si Zetam at si Joel.
9. Tatlo rin ang anak ni Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Sila ang mga pinuno ng mga angkan na nagbuhat kay Ladan.
10. Apat ang anak ni Simei na kapatid ni Ladan: sina Jahat, Zina, Jeus at Berias.