1 Mga Cronica 16:9-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan,ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.

10. Dapat kayong magalak, sapagkat kayo'y kanyang bayan,ang lahat ng sumasamba sa kanya ay magdiwang.

11. Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya'y hingin,sa tuwina'y parangalan siya at sambahin.

12. Inyong alalahanin ang mga kamangha-mangha niyang gawa,ang matuwid na paghatol at gawang kahanga-hanga.

13. Mga supling ni Abraham na kanyang lingkod,ang mga hinirang niya na mga anak ni Jacob.

14. Si Yahweh ang ating Diyos,nasa buong mundo ang kanyang mga utos.

1 Mga Cronica 16