1 Mga Cronica 16:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ipinasok nila ang Kaban ng Tipan sa toldang inihanda ni David para dito. Nag-alay sila ng mga handog na susunugin at handog pangkapayapaan sa harapan ng Diyos.

2. Matapos makapaghandog, binasbasan ni David ang mga tao sa pangalan ni Yahweh,

3. at binigyan niya ang bawat Israelita ng tinapay, karne at bibingkang may pasas.

4. Naglagay rin siya ng ilang Levita na maglilingkod sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh upang manalangin, magpasalamat at magpuri kay Yahweh na Diyos ng Israel.

1 Mga Cronica 16