1 Mga Cronica 15:4-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Tinipon din niya ang mga mula sa angkan ni Aaron at ang mga Levita:

5. sa angkan ni Kohat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya;

6. sa angkan ni Merari, si Asaias at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak;

7. sa angkan ni Gershon ay si Joel at ang 130 kasama niya;

8. sa angkan ni Elizafan, si Semaias at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan;

9. sa angkan ni Hebron, si Eliel at ang walumpung kamag-anak niya;

10. at sa angkan ni Uziel, si Aminadab at ang pinamumunuan niyang 112 mga kamag-anak.

11. Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar, at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab.

1 Mga Cronica 15