46. Manalangin tayo ngayon sa Diyos para tayo maligtas sa ating mga kaaway.”
47. Nagsagupa ang dalawang pangkat at nang sugurin ni Jonatan si Baquides, ito'y umurong at di lumaban.
48. Dahil dito, lumangoy si Jonatan at ang kanyang mga kasamahan patungo sa kabilang pampang ng Jordan. Hindi naman sila sinundan ng kanilang kaaway.
49. May isang libong kawal ni Baquides ang nasawi nang araw na iyon.
50. Si Baquides at ang hukbo niya'y nagbalik sa Jerusalem. Nagpagawa siya ng matitibay na kuta sa buong Judea. Kabilang sa mga lunsod na tinayuan niya ng matataas na pader at matitibay na pinto ang mga sumusunod: Jerico, Emaus, Beth-horon, Bethel, Timnat, Paraton at Tefon.
51. Sa bawat lunsod na ito ay naglagay siya ng mga kawal na handang lumaban sa Israel.
52. Pinatibay rin niya ang muog at toreng bantayan ng lunsod ng Beth-sur, Gezer at Jerusalem. Nagtalaga rin siya ng mga kawal doon at nagtayo ng mga kamalig ng pagkain.