9. Pinasama niya rito ang hindi kumikilala sa Diyos na si Alcimo na ginawa niyang Pinakapunong Pari. Ang utos niya sa dalawa ay paghigantihan ang Israel.
10. Umalis sila sa Antioquia kasama ang isang malaking hukbo. Pagdating sa Judea, nagsugo agad si Baquides ng mga kinatawan kay Judas at mga kapatid nito upang kunwa'y makikipagkaibigan.
11. Ang layuning ito'y hindi nila pinaniwalaan nang makitang malaki ang dala nilang hukbo.
12. Isang pangkat ng mga dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kina Baquides at Alcimo upang humingi ng katarungan.
13. Ang mga deboto at makabayang lalaking ito ang una sa mga Judiong nakipag-ugnay sa kanila,