1. Nang mabalitaan ng mga Hentil sa mga karatig-bansa na muling itinayo at itinalaga ang altar at ang Templo, nag-alab ang kanilang galit.
2. Ang napagbuntunan nila ng galit ay ang mga Israelita na kahalubilo nila. Ipinasya nilang lipulin ang mga ito.Nang ang mga ito'y pinapatay na,
3. sinalakay ni Judas ang mga taga-Edom sapagkat inaabangan ng mga ito ang mga Israelita. Doon sila sa Akrabatene nagsagupa; nalupig ni Judas ang mga Hentil at sinamsam niya ang ari-arian ng mga ito.
4. Naalala niya ang masamang balak ni Baean at ng kanyang mga anak na laging nag-aabang sa daraanan ng mga Israelita upang patayin ang mga ito.
5. Kinulong niya sila sa kanilang mga kuta at sumumpa na lubusan niyang lilipulin sila. Sinunog niya ang kanilang mga kuta at natupok silang lahat.