1 Macabeo 3:52-55 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

52. Masdan po ninyo ang mga Hentil; pinaligiran at sinasalakay po nila kami para wasakin! Batid ninyo ang kanilang balak gawin sa amin.

53. Paano namin maipagtatanggol ang aming mga sarili kung hindi po ninyo kami tutulungan?”

54. Pagkatapos, hinipan nila ang mga trumpeta at sila'y nagsigawan.

55. Nagtakda si Judas ng mangunguna sa bawat pangkat na sanlibo, sandaan, limampu, at sampu.

1 Macabeo 3