31. Ang ganitong paglikas ay nakarating sa kaalaman ng mga opisyal ng hari na nasa Lunsod ni David, sa Jerusalem. Nalaman nila na ang mga ayaw sumunod sa utos ng hari ay nagsipagtago sa ilang.
32. Maraming mga tauhan ang humabol at inabutan nila ang mga ito. Humimpil muna ang mga ito sa ibayo at humandang salakayin ang mga tumakas pagdating ng Araw ng Pamamahinga.
33. Bago sumalakay ay binabalaan muna sila, “May panahon pa. Lumabas kayo at sundin ang utos ng hari, at hindi namin kayo papatayin.”
34. Sa panawagan nila'y ganito ang sagot: “Hindi kami lalabas; hindi kami susunod sa utos ng hari na lapastanganin ang Araw ng Pamamahinga.”
35. Kaya't lumusob agad ang mga kawal ng hari.