1 Macabeo 16:5-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. at maagang-maaga pa kinabukasan ay tumuloy sila sa kapatagan. Sinalubong sila roon ng isang malaking hukbong sundalo at mangangabayo, subalit may nakapagitan sa kanila na isang ilog.

6. Humanda si Juan at ang kanyang hukbo sa pakikipaglaban at humarap sa kalaban, ngunit nang makita niyang takot lumusong sa tubig ang kanyang mga kawal nauna siyang tumawid. Nang makita ito ng mga kawal, sumunod na sila.

7. Hinati ni Juan ang kanyang hukbo at ipinagitna ang mga kabayuhan sapagkat mas marami ang mangangabayo ng kaaway.

8. Inihudyat ng mga trumpeta ang pagsalakay at nalupig si Cendebeo at ang kanyang hukbo; maraming nasawi sa kanila. Ang natirang buháy ay tumakas na pabalik sa kanilang tanggulan sa Kidron.

9. Si Judas ay nasugatan sa labanan, ngunit ang kapatid niyang si Juan ay humabol sa mga tumatakas na kaaway hanggang sa Kidron, ang lunsod na muling itinayo ni Cendebeo.

10. Ang iba pang tumatakas na mga kawal ay nagpunta sa mga tore sa bukirin ng Asdod. Sinunog ni Juan ang lunsod at nang araw na iyon, dalawang libong kawal ng kaaway ang nasawi. Si Juan ay ligtas na nagbalik sa Judea.

11. Hinirang ni Simon na Pinakapunong Pari ang anak ni Abubo na si Tolomeo upang manguna sa hukbong nasa kapatagan ng Jerico. Napakayaman na ni Tolomeo

1 Macabeo 16