18. nagpagawa sila ng mga kasulatang tanso at ipinaukit dito ang kasunduan ng pakikipagkaibigan na ginawa nila noon kina Judas at Jonatan, saka ipinadala kay Simon.
19. Binasa ito sa kapulungan sa Jerusalem.
20. Ganito ang nakasaad sa liham na ipinadala ng mga taga-Esparta:“Ang mga mamamayan ng Esparta at ang kanilang mga pinuno ay bumabati kay Simon, ang Pinakapunong Pari at sa mga pinuno at mga paring Judio, at sa lahat ng aming kapatid na Judio.
21. Ang delegasyong isinugo ninyo sa amin ay nagbalita sa amin kung paano kayo iginagalang at kinikilala ng lahat. Isang malaking kagalakan namin ang kanilang pagdalaw,
22. at ang ulat ng kanilang pagdalaw ay nakasulat sa aming talaang bayan nang ganito: ‘Si Numenio na anak ni Antioco at si Antipater na anak ni Jason, marangal na mga kinatawang Judio, ay naparito upang sariwain ang kanilang pakikipagkaibigan.