1 Macabeo 13:27-33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

27. Sa ibabaw ng libingan ng kanyang ama at mga kapatid ay nagpagawa si Simon ng isang mataas na bantayog na nakikita kahit sa malayo. Iyon ay nababalutan ng pinakinang na bato.

28. Nagpagawa rin siya ng pitong piramid na magkakatabi, para sa kanyang ama, ina, at apat na kapatid.

29. Ang mga piramid ay binubuo ng matataas na haliging may nakaukit na larawan; may larawan ng baluti ng kawal, mayroon ding larawan ng mga sasakyang-dagat. Ito'y bantayog ng kanilang mga tagumpay at maaaring madalaw ng mga panauhin mula sa ibayong dagat.

30. Ang libingang ipinagawa niya sa Modein ay naroon pa hanggang ngayon.

31. Samantala, pinatay ni Trifo ang batang haring si Antioco VI,

32. at siya ang naghari sa Asia. Maraming kaguluhan ang nilikha niya sa bansang iyon.

33. Muling ipinagawa ni Simon ang mga kuta ng Judea at pinalagyan ng matataas na tore, matitibay na pader, at pintuang may kandado. Pagkatapos, naglagay siya roon ng maraming pagkain.

1 Macabeo 13