18. Nangangamba siya na baka masabi nilang pinatay si Jonatan dahil hindi ipinadala ni Simon ang salapi at ang dalawang bata.
19. Kaya nga, ibinigay niya ang hinihingi ni Trifo, ngunit hindi ito tumupad sa pangako; hindi niya pinalaya si Jonatan.
20. Kumilos na si Trifo para lusubin ang lupain at wasakin. Pinaligiran niya ito sa daan patungong Adora. Ngunit kahit saan sila magpunta ay sinasalubong sila ng pangkat ni Simon.
21. Ang mga kawal ng kaaway na nakatalaga sa kuta ng Jerusalem ay patuloy na nagpapasabi kay Trifo na puntahan sila agad at dalhan ng kanilang mga pangangailangan. Ipinasabi pa na sa ilang sila dumaan pagpunta roon.
22. Pinahanda ni Trifo ang kanyang hukbong nakakabayo para sa paglusob, ngunit umulan ng niyebe nang gabing iyon at hindi siya makaakyat sa kaburulan. Kaya't umatras siya at sa Gilead nagtuloy.
23. Nang malapit na siya sa Basama, ipinapatay niya si Jonatan at doon ipinalibing,
24. saka siya nagbalik sa sariling bayan.
25. Ipinakuha ni Simon ang bangkay ng kapatid niyang si Jonatan at ipinalibing sa Modein, sa libingan ng kanilang mga ninuno.
26. Nagdalamhati ang buong Israel sa pagkamatay ni Jonatan at maraming araw silang nagluksa.
27. Sa ibabaw ng libingan ng kanyang ama at mga kapatid ay nagpagawa si Simon ng isang mataas na bantayog na nakikita kahit sa malayo. Iyon ay nababalutan ng pinakinang na bato.