1 Macabeo 13:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Nalaman ni Simon na nagtipon si Trifo ng malaking hukbo at nagbabalak na wasakin ang Judea.

2. Naisip din niya na ang balitang ito ang naghasik ng takot at sindak sa mga tao, kaya nagpunta siya sa Jerusalem at tinipon ang mga tao.

3. Sinikap niyang palakasin ang kanilang loob. Sinabi niya, “Hindi kaila sa inyo ang ginawa ng aming pamilya, mga kapatid, at pati na ako, alang-alang sa Kautusan ni Moises at ng Templo. Alam din ninyo ang mga digmaang sinuong namin.

1 Macabeo 13